TUGUEGARAO CITY-Iniimbestigahan na ng PNP ang motibo at suspek sa pamamaril sa secretary ng sangguniang bayan ng Rizal,Cagayan

Sinabi ni PSMS Roderick Diamsay,OIC Chief of Police ng Rizal,sa kanilang imbestigasyon,pauwi na umano si Romel Calidoso,43 kasama ang kanyang pinsan sakay ng motorsiklo matapos na maibigay ang sahod ng mga aeta na naglinis sa kanyang bukid nang harangin sila ng isang lalaki at pinagbabaril ang biktima

Nahulog naman sa motorsiklo ang kanyang pinsan na agad na tumakbo palayo sa lugar

Samantala, mariing kinondena ng sagguniang bayan ng Rizal ang pamamaril kay Calidoso

Sinabi ni Vice Mayor Joel Ruma na wala silang alam na may galit sa biktima

-- ADVERTISEMENT --