
Bumaba sa “poor” classification ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos magtala ng 33% satisfaction rating sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026, lumabas na 49% ng mga Pilipino ang hindi nasisiyahan sa kanyang performance habang 18% ang undecided.
Dahil dito, umabot sa -15 ang net satisfaction rating, mas mababa kumpara sa -3 na naitala noong Nobyembre 2025 na nasa “neutral” pa ang estado.
Ayon sa SWS, ang pagbaba ay bunsod ng mas mataas na bilang ng mga hindi nasisiyahan kumpara sa mga nasisiyahan sa pamumuno ng Pangulo.










