Awtomatikong si Senator Erwin Tulfo ang uupong chairman ng Senate blue ribbon committee kung walang kukuha sa nasabing puwesto na binakante ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.

Una rito, pinalutang ni Senate President Vicente Sotto ang pangalan nina Senator Raffy Tulfo, JV Ejercito, Francis Pangilinan, Pia Cayetano, and Risa Hontiveros, bilang kandidato sa nasabing posisyon.

Sinabi ni Sotto na tinanggihan ni Raffy ang nasabing posisyon, habang pinag-iisipan pa ito ni Ejercito.

Idinagdag pa ni Sotto na magandang choice si Erwin, at kung walang kukuha sa puwesto, awtomatiko na ang vice chairman ang uupo.

Sinabi pa ni Sotto na may karanasan si Erwin sa investigative journalism at siya rin ay matapang.

-- ADVERTISEMENT --

Dalawang komite ang pinamumunuan ni Erwin: games and amusement, at social justice, welfare, at rural development.

Sinabi naman ni Pangilinan na hindi tama na tanggapin ang pang-apat na komite dahil sa hawak niya ngayon ang comittee on agriculture, justice and human rights, at constitutional amendments.