Ipinag-utos na ng Sandiganbayan 3rd Division ang pag-aresto kay Senator Rodante Marcoleta, dating Congressman Mike Defensor at dalawang iba pang akusado para sa kasong plunder.

Ito ay matapos ibasura ng korte ngayong Lunes ng umaga, July 6 ang Motion to Quash Information at Motion to Hold or Defer Issuance of a Warrant of Arrest sa katatapos lang na pagdinig ngayong Lunes ng umaga.

Giit ng hukuman, walang makakapigil sa pag-iisyu ng warrant of arrest lalo’t Biyernes pa lang ng gabi, July 3, ay nakitaan na umano nila ng probable cause ang nasabing kaso.

Samantala, kasabay ng pag-iisyu ng warrant of arrest, ipinag-utos rin ng korte ang paglalabas ng Hold Departure Order (HDO) laban sa apat na akusado.

Sa kanilang banda, si Senator Marcoleta ang personal na dumalo sa nasabing pagdinig kanina, at kasalukuyan pa siyang nasa loob ng Office of the Clerk of Court.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nakatakda namang dalhin ang mga akusado sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, oras na maisilbe na ang nasabing warrant of arrest.