
Itinakda ni Senate President Alan Peter Cayetano ang Hunyo 1 bilang deadline para sa sagot ni VP Sara Duterte kaugnay ng impeachment case na isinampa laban sa kaniya.
Ayon kay Cayetano, naipadala na ng Senate Sergeant-at-Arms ang writ of summons at kopya ng Articles of Impeachment sa tanggapan ng Bise Presidente, at kinumpirma rin ng Office of the Vice President ang pagtanggap nito.
Saklaw ng reklamo laban kay Duterte ang mga akusasyon ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Binigyan siya ng 10 araw mula sa pagtanggap ng summons upang magsumite ng sagot, alinsunod sa impeachment rules ng Senado, habang may pagkakataon naman ang prosekusyon na maghain ng reply sa loob ng limang araw.
Samantala, nagpatuloy ang mga caucus ng mga senador bilang impeachment court upang talakayin ang iskedyul ng paglilitis.










