
Nilinaw ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na hindi siya dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. upang maiwasang “umagaw ng eksena.”
Ayon kay Padilla, hindi niya kailanman binastos ang Pangulo at nananatili ang kanyang paggalang dito bilang kaibigan.
Aniya, iniiwasan lamang niyang maulit ang nangyari noong 2024 SONA nang mapansin siyang hindi pumapalakpak habang nagbibigay-pugay ang ibang dumalo.
Si Padilla ay kabilang sa 13 senador na hindi dumalo sa SONA ngayong taon.
Kabilang din sa mga lumiban sina Alan Peter Cayetano, Panfilo Lacson, Imee Marcos, Loren Legarda, Pia Cayetano, Christopher Lawrence Go at Mark Villar.
-- ADVERTISEMENT --









