Muling naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC)para sa pagkasenador ang isang Skyway traffic enforcer na ilang ulit nang idineklara na nuisance candidate.

Inihain ni Victoriano Inte, 70, ang kanyang COC sa Manila City tent.

Dumating si Inte na may injury sa kanyang paa kaya humingi siya ng upuan sa stage dahil sa nahihirapan siya habang nakatayo.

Tumakbo bilang president ng bansa si Inte noong 2022 subalit idineklara siya na nuisance candidate.

Sinabi pa niya na tumakbo din siya sa mga nakalipas na halalan ng limang beses subalit hindi na niya maalala ang ilang posisyon na kanyang tinakbuhan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, siya ay independent candidate at wala siyang political umbrella.