
Inihayag ng Social Security System (SSS) na maaari pa ring ma-access ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan ang kanilang mga benepisyo sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon.
Ayon sa SSS, nananatiling aktibo ang kanilang online platform na My.SSS Portal, na nagsisilbing pangunahing paraan para makapag-file ng claims at loan applications ang mga miyembro kahit nasaan man sila.
Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph de Claro na patuloy na gumagana ang kanilang digital infrastructure upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na serbisyo.
Ani de Claro na sa kabila ng mga hamon, tinitiyak ng ahensiya na ang digital infrastructure ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo.
Hindi kailangang mag-alala ang mga miyembro sa Gitnang Silangan dahil maaari nilang pamahalaan ang kanilang mga account nang ligtas basta’t may internet access.
Dagdag pa niya, nananatiling nakatuon ang SSS sa pagbibigay-suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng inobasyon at matatag na serbisyo, anuman ang sitwasyon.










