
Muling isinara ng Iran ang Strait of Hormuz sa gitna ng patuloy na tensyon laban sa United States, habang sinabing malayo pa ang pinal na kasunduan sa kapayapaan.
Ayon kay Iranian parliament speaker Mohammad Bagher Ghalibaf, may kaunting pag-usad sa negosasyon ngunit marami pang hindi napagkakasunduang mahahalagang isyu. Iginiit ng Iran na hindi bubuksan ang rutang pandagat hangga’t hindi inaalis ng US ang blockade sa mga pantalan nito.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na nagpapatuloy ang pag-uusap ngunit nagbabala laban sa anumang tangkang panggigipit ng Tehran.
Nagbabala rin ang Revolutionary Guards ng Iran na maaaring targetin ang mga sasakyang-dagat na dadaan nang walang pahintulot, kasabay ng mga ulat ng insidente sa ilang barko sa lugar.
Umaasa naman ang Egypt at Pakistan na makakamit ang kasunduan sa mga susunod na araw, kahit nananatiling isyu ang imbakan ng enriched uranium ng Iran.
Patuloy ang tensyon sa rehiyon matapos ang digmaan na kinasangkutan ng Hezbollah sa Lebanon.










