TUGUEGARAO CITY-Nakilala na ng PNP-Enrile ang bumaril sa dalawang caretaker ng isang mayoralty candidate sa Enrile noong Abril 28, 2019.

Ayon kay Police Major Harvie Pajarillo ng PNP-Enrile, natukoy ang mga suspek na sina Tura Dayag at Marcial Baricaua na supporter umano ng kumakandidatong pagkabise alkalde sa nasabing bayan na si Expedito Tagibao,sa tulong ng mga saksi sa insidente.

Aniya, maging ang mga biktima na si Mugeri Ahmad, 37 anyos, tubong Talipao Jolo, Sulu na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Roma Sur, Enrile at isang Ibrahim Alhambri ay nakilala din umano ang mga suspek.

Sa ngayon, sinabi ni Pajarillo na hindi pa hinuhuli ang mga nasabing suspek dahil hindi pa ito kinakasuhan.

Bukod dito, sinabi ni Pajarillo na patuloy na inaalam ng kanilang hanay kung sino ang nagmamay-ari ng motorsiklo na kanilang nakumpisa sa lugar na pinangyarihan ng insidenete.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Pajarillo na batay sa salaysay ng commission on election, itinuturing umanong election related incident ang nasabing pamamaril.

Matatandaan, April 28, matapos ang isinagawang Miting De Avance ng isang isang mayoralty candidate sa Enrile, pinagbabaril ang dalawang biktima na agad namang isinugud sa pagamutan.