
Pormal nang kinumpirma ni US President Donald Trump ngayong Linggo (oras sa Pilipinas) na nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek sa likod ng naiulat na pamamaril sa isang press dinner sa Washington.
Sa kabila ng nangyaring tensyon at pagkaantala ng aktibidad, inihayag ng Pangulo ang kaniyang kagustuhan na ipagpatuloy ang nasabing pagtitipon.
Gayunpaman, nilinaw nitong susunod pa rin sila sa magiging pinal na direktiba ng kapulisan para sa kaligtasan ng lahat.
Sa parehong pahayag, muling pinawi ng Chief Executive ang pangamba ng publiko at tiniyak na walang nasugatan sa hanay ng kaniyang pamilya at ng ehekutibo.










