
Inihayag ni US President Donald Trump na “substantially reduce” ng Estados Unidos ang joint military exercises nito kasama ang South Korea, na bahagi umano ng kanyang pagsisikap na mapabuti ang relasyon kay North Korean leader Kim Jong Un.
Ayon kay Trump, magastos ang naturang military drills at nagbibigay umano ito ng hindi angkop at mapanganib na mensahe sa North Korea.
Binanggit din niya ang pagtanggi ng South Korea na sumali sa kampanya ng US para sa “denuclearization” ng Iran.
Sinabi naman ng Seoul na pinag-aaralan nito ang pahayag ni Trump, habang una nang sinabi ng South Korean military na magpapatuloy ang nakatakdang 11-araw na pagsasanay.
Babala ng mga eksperto, ang pagbawas sa joint drills ay maaaring magpahina sa koordinasyon at deterrence ng US at South Korea laban sa North Korea, lalo na matapos ang sunod-sunod na missile tests ng Pyongyang.
May tinatayang 28,500 US troops na nakatalaga sa South Korea, na itinuturing ng Seoul na mahalagang bahagi ng kanilang defense alliance.










