Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang nakatakdang pagbaba sa puwesto ni White House press secretary Karoline Leavitt.

Ayon kay Trump na hanggang sa katapusan lamang ng buwan ng Agosto ito mananatili sa puwesto.

Dagdag pa nito na kaniyang nirerespeto ang desisyon ni Leavitt na umalis sa puwesto dahil sa nais niyang bigyang prioridad ang pag-alaga sa anak.

Ang 28-anyos na si Leavitt ay naging White House Presd Secretary noong nakaraang taon.

Siya ang itinuturing na pinakabatang opisyal na naitalaga sa puwesto.

-- ADVERTISEMENT --

Noong nakaraang buwan ng Mayo ay isinilang niya ang ikalawang anak nila ng asawang si Nicholas Riccio bukod pa sa may panganay ito na dalawang -anyos.

Nakabalik na ito sa trabaho noong nakaraang buwan matapos ang maternity leave.