
Kinumpirma ng Ateneo de Manila University (ADMU) na nag-resign na bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles si Tab Baldwin at ang team manager na si Epok Quimpo.
Kasunod ito ng trahedyang sinapit ng dalawang student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa isang press conference, kinumpirma ni ADMU President Fr. Roberto Yap na tinanggap na nila ang resignation ni Baldwin.
Emosyunal din itong humarap sa media at muling humingi ng paumanhin sa mga naulila ng dalawa, at sa buong Ateneo Community.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin umano ang imbestigasyon sa pagkasawi nina Baterbonia at Adili mula sa mga awtoridad, pati na rin ang hiwalay nilang inquiry sa insidente.
Sasagutin naman ng Ateneo ang funeral costs at ang pagpapa-uwi kay Adili sa Nigeria.
Bago ito, una nang inanunsyo ng Ateneo de Davao na mayroon silang alok na scholarships sa anim na kapatid ni Baterbonia.








