TUGUEGARAO CITY-Tatlong highschool sa Region 2 ang magiging pilot area para sa pagpapatupad ng mandatory Reserve Officer Training Corps kung makakapasa ang panukalang batas sa Kongreso.
Sinabi ni Ferdinand Narciso ng Department of Education Region 2 na magkakaroon ng ROTC sa Cagayan National Highschool sa Tuguegarao City,Isabela National Highschool at isa sa Cabaruguis,Quirino.
Ayon kay Narciso ang batayan ng pagpili ng pilot area ay ang malawak na school ground at may malapit na kampo ng militar.
Kaugnay nito, sinabi ni Narciso na hindi sila tutol na muling ibalik ang mandatory ROTC dahil naniniwala silang makakatulong ito para ikintal sa mga kabataan ang pagiging makabayan,makadiyos at makakalikasan.
Bukod dito,ay maihahanda ang mga kabataan para sa panahon ng kalamidad at sa anumang banta sa ating bansa.