TUGUEGARAO CITY- Naka- confine pa ang babaeng buntis at ang kanyang kapatid na babae matapos na malason umano sa ininom na tubig na mula sa balon sa Baggao, Cagayan.

Sa kwento ni Divina Macafe, 34, ng Santa Margarita, nagsalok ng tubig ang kanyang mister sa balon nang maubusan sila ng inuming tubig habang sila ay nasa bukid kasama ang kanyang kapatid na babae.

Nang gabi umano ng nabanggit na araw ay nagsimula nang sumakit ang kanilang tiyan at nagtatae.

Dahil sa matindi na ang pananakit ng kanilang tiyan ay pumunta na sila sa ospital sa Tungel ng umaga ng Sabado.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, madaling araw na sila ng Linggo sila nabigyan ng kama dahil sa wala umanong bakante.

Bukod dito, sinabi ng ginang na kahapon lang sila nilagyan ng suwero dahil wala umanong stock ang ospital.

Kaugnay nito, sinabi ng ginang na nangangamba siya na baka maapektuhan ang kanyang ipinagbubuntis matapos na turukan siya ng pampakalma sa sumasakit niyang tiyan kagabi.

Ito ay matapos na hindi umano niya sinabi sa mga nurse na sinabi sa kanya ng duktor na hindi siya maaaring turukan ng gamot dahil maaapektuhan ang kanyang ipinagbubuntis.

ang tinig ni Ginang Macafe