TUGUEGARAO CITY- Nagdudulot ngayon ng trapiko sa Diadi, Nueva Vizcaya ang bumaliktad na trailer truck na may lulang sako-sakong mais kaninang umaga.

Sinabi ni Wilson Valdez ng Department of Public Worksd and Highways Region 2, naokupa kasi ng truck ang halos buong kalsada kaya nagkaroon ng north and south bound grid lock kaninang umaga.

Ayon sa kanya, nagsagawa sila ng clearing sa isang bahagi ng kalsada at ngayon ay tanging light vehicles lang ang maaaring dumaan.

Idinagdag pa ni Valdez na may maintainance personnel na ang DPWH sa lugar para magmando ng trapiko.

Sisikapin din aniya ng mga kinauukulan na maalis sa lalong madaling panahon ang nasabing truck upang makausad na ang trapiko.

-- ADVERTISEMENT --