
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itinaas na sa Strategic Partnership ang ugnayan ng Pilipinas at Canada matapos ang pakikipagpulong niya kay Canadian Prime Minister Mark Carney sa British Columbia.
Ayon sa Pangulo, napagkasunduan ng dalawang bansa na pabilisin ang negosasyon para sa Canada–Philippines Free Trade Agreement at palawakin ang kooperasyon sa clean energy, disaster resilience, food security, depensa, at seguridad.
Nilagdaan din ng Pilipinas at Canada ang ilang kasunduan sa turismo, kultura, paggawa, at migrasyon, habang muling pinagtibay ng dalawang bansa ang suporta sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific at sa 2016 arbitral ruling sa West Philippine Sea.










