Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na fake news ang mga kumakalat na balita tungkol sa umano’y pagkaka-apruba ng Divorce Bill sa bansa.

Ayon sa PCO, kasalukuyan pang nasa proseso ng pagsusuri ang estado ng House Bill 9349 at hindi pa naisabatas.

Inaprubahan ng House of Representatives ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9349 noong May 2024.

At sa ngayon ay nasa Senado pa lamang ito para sa karagdagang deliberasyon at pag-apruba.

Panawagan ng PCO sa publiko, suriin ang mga impormasyong nababasa sa social media at tumulong na mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.

-- ADVERTISEMENT --