
Nagalit si US President Donald Trump sa desisyon ng Korte Suprema na wala siyang kapangyarihan para magpatupad ng taripa sa mga imports.
Binigyang-diin ni Trump na hindi siya natitinag sa tinawag niyang nakakatawa na desisyon.
Kasabay nito, nagbanta si Trump na agad siyang magpapatupad ng 10 percent na bagong taripa sa imports mula sa iba’t ibang bansa, bukod pa sa umiiral na taripa.
Pinapayagan siya sa ilalim ng batas na ipatupad ang taripa sa loob ng 150 araw, subalit maaaring maharap siya sa usaping legal.
Sa desisyon ng US Supreme Court, iligal ang pagpapataw ni Trump ng mga taripa sa iba’t-ibang bansa.
Sa majority decision na inilabas ni Chief Justice John Roberts nakakuha ng anim na pumabor at tatlo ang hindi na mga judges ukol sa nasabing desisyon na ito ni Trump.
Nakasaad dito na dapat ay mayroong authozation ang US Congress bago ang pagpapatupad ni Trump ng nasabing taripa.
Sinabi pa ni Trump na nakakahiya ang ilang miyembro ng korte dahil sa wala umano silang tapang para ipatupad ang tama para sa kanilang bansa.










