
Inihayag ni US President Donald Trump na kailangang kasama siya sa pagpili ng susunod na Supreme Leader ng Iran, habang patuloy ang pag-atake ng US at Israel sa nasabing bansa.
Patuloy din ang pagganti ng Iran sa Israel, sa mga base ng America at iba pang bansa sa rehion.
Tutol si Trump na si Mojtaba Khamenei, ang nangunguna na papalit sa kanyang ama na si Ayatollah Ali Khamenei, na napatay sa unang araw ng military campaign ng US sa Iran.
Patuloy ang paglawak ng giyera bawat araw, kung saan apektado na ang karagdagang 14 na mga bansa sa Middle East at sa iba pang bansa.
Inakusahan ng Azerbaijan ang Iran na nagsagawa ng drone attacks sa bansa, na mariing pinabulaanan ng Iran.
Naglabas ang Israel ng mass evacuation warning sa Beirut dahil sa patuloy na labanan ng kanilang mga tropa sa Hezbollah militants.
Ayon sa United Nations peacekeepers na may ground combat sa southern Lebanon matapos na mas maraming tropa ng Israel ang pumasok na sa nasabing bansa.
Tinarget ng mga pag-atake ng Iran ang kanilang kapitbay na mga bansa, nagdulot ng pagkakagambala ng suplay ng langis at maraming flights ang nakansela.
Umaabot na sa 1,230 ang namatay sa Iran, mahigit 120 sa Lebanon at mahigit 10 sa Israel.
Kabilang din sa mga nasawi ang anim na US service members.










