Hindi aalisin bilang Palace Press Officer at Undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO) si Usec. Claire Castro.

Ito’y kahit pa itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating broadcaster at Cainta Mayor Mon Ilagan bilang bagong undersecretary ng ahensya.

Ayon kay PCO Sec. Dave Gomez, operations lamang ang tututukan ni Ilagan habang si Castro pa rin ang mananatiling tagapagsalita ng PCO.

Layon ng mga bagong appointments na palakasin ang operasyon at serbisyo ng mga ahensya sa ilalim ng administrasyong Marcos.