Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na bumiyahe si Bise Presidente Sara Duterte patungong Kuala Lumpur, Malaysia para sa isang personal na lakad kasama ang kanyang pamilya.

Ayon sa OVP, bahagi rin ng kanyang pagbisita ang pagdalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Bukod dito, nakatakda ring makipagpulong si VP Sara sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Malaysia para sa isang program consultation kaugnay ng mga inisyatibo ng kanyang tanggapan.

Hindi naman tinukoy ng OVP kung kailan nakatakdang bumalik sa bansa ang pangalawang pangulo.