
Hindi umano isisiwalat ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang pagkakakilanlan ng indibidwal na gumagamit ng alyas na “Mary Grace Piattos” sakaling magpatuloy ang impeachment trial laban sa bise presidente.
Sinabi ni defense spokesperson Michael Poa na kinakailangang mag-ingat sa pagbubunyag ng mga detalye na may kaugnayan sa confidential funds, lalo na kung posibleng kabilang sa intelligence community ang naturang tao.
Ayon kay Poa, ang pagbubunyag ng ganitong impormasyon ay maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa indibidwal kundi pati na rin sa mga kasalukuyang intelligence operations ng pamahalaan.
Ang pangalang “Mary Grace Piattos” ay lumitaw sa mga reklamong impeachment na inihain laban kay VP Sara, kaugnay ng alegasyon ng hindi tamang paggamit ng confidential funds.
Sa kabila nito, iginiit ng kampo ng Bise Presidente na handa silang harapin at sagutin ang lahat ng paratang.
Gayunman, binigyang-diin nila na nasa panig ng mga nagrereklamo ang obligasyong magpatunay ng umano’y katiwalian










