Hindi pa tiyak ni Vice President Sara Duterte kung dadalo siya at ang kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial.

Ayon kay Sara, wala pa siyang natatanggap na subpoena at kinakatawan na siya ng kanyang mga abogado sa paglilitis. May subpoena naman ang impeachment court kay Baste Duterte.

Sinabi rin ni Sara na kakausapin umano ng kanyang kapatid ang city legal office tungkol sa subpoena.

Samantala, tumanggi si Sara na magkomento sa pagbabago sa threshold ng botong kailangan para sa conviction, dahil maaari umano siyang pagsabihan ng kanyang mga abogado.

Tinanong din si Sara tungkol sa alegasyong nakatanggap siya ng malaking halaga ng cash, ngunit sinabi niyang wala siyang nakitang ulat tungkol dito.

-- ADVERTISEMENT --