
Nanindigan si Senator-Judge Raffy Tulfo na dapat sanang nag-divest si Vice President Sara Duterte sa kaniyang mga business interest bago umupo bilang bise presidente.
Ayon kay Tulfo, mismong sa isang sworn document ay inamin umano ni Duterte na pagmamay-ari nila ng kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio ang isang kumpanya.
Paliwanag ni Tulfo, kung hindi idineklara ni Duterte ang kaniyang ownership, maaari itong maging usapin ng non-declaration sa mga legal na dokumento.
Samantala, kung idineklara naman umano ang naturang pagmamay-ari, maaari itong pumasok sa usapin ng Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution, na nagtatakda ng mga restriksiyon sa pagkakaroon ng pribadong interes sa negosyo ng Pangulo, Bise Presidente at mga miyembro ng Gabinete habang nasa puwesto.
Dahil dito, iginiit ni Tulfo na dapat sana ay naayos na ang anumang business interest ni Duterte bago siya nanungkulan bilang bise presidente.










