Iminungkahi ni Vice President Sara Duterte ang pagkakaroon ng psychosocial wellness program sa mga paaralan upang matukoy agad ang mga estudyanteng nangangailangan ng tulong at maiwasan ang posibleng karahasan.

Kasunod ito ng pagbisita ni Duterte sa mga estudyanteng nasugatan sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.

Ayon sa Bise Presidente, bukod sa anti-bullying programs, mahalaga ring magkaroon ng regular na monitoring sa mga estudyante at school personnel upang matukoy kung may nangangailangan ng counseling o iba pang psychosocial support.

Sinabi rin ni Duterte na nais niyang malaman kung paano makatutulong ang Office of the Vice President sa mga paaralan, partikular sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at insidente ng karahasan.

Dalawang estudyante ang nasawi sa naturang pamamaril na naganap noong Martes.

-- ADVERTISEMENT --