
Personal na nagtungo si Vice President Sara Duterte sa Taguig City Prosecutor’s Office upang maghain at manumpa sa ikalawang reklamong perjury laban kay Ramil Madriaga.
Ang reklamo, sa ilalim ng Article 183 ng Revised Penal Code, ay may kaugnayan sa supplemental affidavit ni Madriaga noong Abril 11, 2026 at sa umano’y mga maling pahayag nito sa affidavit na inihain noong Nobyembre 29, 2025.
Umabot sa 1,000 pahina ang isinumiteng reklamo, kabilang ang mga dokumento, certifications, mensahe, larawan, public records at testimonya ng 12 corroborating witnesses.
Si Madriaga, na nagpakilalang dating aide at bagman umano ni Duterte, ay nagsabing tumulong siya sa “Inday Sara Duterte is my President” group at naghatid ng pera sa ilang personalidad.
Gayunman, may mga certification mula sa ilang ahensya na nagsasabing hindi naging empleyado si Madriaga ng mga naturang tanggapan.










