Mula Kuwait, bumisita naman si Vice President Sara Duterte sa Paris, France.
Ayon sa Office of the Vice President (OVP), may layover sa Paris ang bise para sa biyahe niya papuntang The Hague sa The netherlands.
Sa mga Facebook posts ng ilang supporters, makikitang nagkaroon ng isang engagement si VP Sara sa mga Filipino community doon.
Bago ito, una nang nilinaw ng OVP na walang ginagasta si VP Sara na public funds sa mga sunud-sunod nitong mga travel abroad.
Sa naging paliwanag ng OVP sa Kuwait trip ni VP Sara, sinabi nilang nag-comply ang bise sa lahat ng mga government rules and regulations.
Bahagi rin daw ito ng kaniyang ‘mandato’ ng bise para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Tuluy-tuloy din umano ang operasyon ng mga tanggapan ng OVP at mga satellite offices nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kung maaalala, maliban sa Kuwait at sa France, bumibisita rin si VP Sara sa The Hague para sa kaniyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong doon.
Mayroon din itong mga trips sa Qatar, Australia, South Korea, at sa Malaysia.