Walong katao ang namatay sa sunog sa isang rental house sa Barangay San Isidro, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa first alarm ang apoy sa tatlong palapag na gusali kaninang 2:02 a.m.

Sinabi ng BFP na kinailangan ng ilang residente na umakyat at dumaan sa bubong upang makatakas sa sunog.

Idineklara na fire-out ang apoy ng 2:48 a.m.

Nakita ng responders ang dalawang katawan sa unang palapag malapit sa mga hagdanan, kung saan hindi pa nakikilala ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, at inaalam kung ilan ang mga apektadong mga residente at kung magkano ang pinsala ng nasabing sunog.