photo credit: DSWD REGION II

TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa 110 na mga nagmamay-ari ng mga maliliit na negosyo sa bayan ng Amulung ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa livelihood assistance grant ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bilang tulong ng ahensya sa mga negosyante na labis na naapektuhan ang kanilang hanapbuhay dahil sa krisis pangkalusugan dulot ng covid-19.

Ang mga benipisaryo ay nakatanggap ng tig-P15,000 na gagamitin sa kanilang muling pagsisimula para sa napiling negosyo.

Labis naman ang pasasalamat ng alkalde sa nasabing bayan dahil napili ang kanyang mga residente na nabigyan ng tulong pinansyal.