Pumanaw na ngayong Agosto 27 si Carl Jayden “CJ” Baldonado, 15-anyos na estudyante na nabagsakan ng palitada mula sa isang gusali sa Quezon City noong Agosto 12.

Nagtamo siya ng matinding pinsala sa ulo kaya naging comatose at sumailalim sa operasyon, ngunit hindi na nakaligtas.

Labis ang dalamhati ng kanyang pamilya at mga kaibigan, lalo na’t marami ang nakasubaybay sa laban niya para mabuhay.

Nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Quezon City at nangakong tutulong sa pamilya.

Tiniyak din ng pamahalaan na pananagutin ang mga responsable sa trahedya sa pamamagitan ng kasong kriminal at administratibo.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, nananawagan ang lungsod na ipagdasal ang paggaling ng dalawa pang estudyanteng nadamay sa insidente at patuloy na pinalalakas ang mga apektadong pamilya.

Nangako rin ang pamahalaan na paiigtingin ang seguridad upang hindi na maulit ang ganitong uri ng kapabayaan na nagdudulot ng panganib sa mga kabataan.