
Inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na natukoy ng mga social worker na may discernment o ganap na pag-unawa sa kanyang mga ginawa ang 15-anyos na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante.
Isusumite ang assessment sa korte bilang bahagi ng kaso, habang hinihintay pa ang resulta ng psychological assessment ng 15-anyos at 14-anyos na suspek upang makabuo ng angkop na intervention program.
Samantala, sinabi rin ng DSWD na bukas itong makilahok sa pagtalakay sa panukalang ibaba ang edad ng criminal liability upang matukoy kung kailangan nang amyendahan ang batas o paigtingin ang implementasyon nito.









