Patay ang 15 katao nang pasabugin ng suicide bomber ang kanyang sarili sa Mar Elias Church sa pamayanan ng Dweila sa Damascus, Syria kahapon.

Ang insidente ay ang unang suicide bombing sa loob ng Damascus buhat noong mapabagsak si Bashar al-Assad ng Islamist-led rebel insurgency noong Disyembre.

Ayon sa interior ministry ng Syria, ang suicide bomber ay miyembro ng Islamic State.

Pumasok siya sa simbahan, nagpaputok ng baril at pinasabog ang explosive vest.

Sinabi naman ng isang security, dalawang lalaki ang sangkot sa nasabing pag-atake kabilang ang lalaki na pinasabog ang kanyang sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nangako si Syrian President Ahmed al-Sharaa, ang nanguna sa opensiba laban kay Assad bago umupo sa puwesto noong Enero para sa transitional phase, na poprotektahan niya ang minorities sa kanyang panunungkulan.