TUGUEGARAO CITY-Huli ang dalawang barangay kagawad sa paglabag sa liquor ban sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Kinilala ang dalawang barangay Kagawad na sina Jerry Udarbe 55-anyos at Rustom Felix kapwa residente ng Brgy Bulo.

Una rito, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kapulisan ukol sa pag-iinom ng nakalalasing na inumin ng dalawang suspek.

Dahil dito, agad na rumesponde ang kapulisan sa nasabing lugar NGUNIT hindi nila naabutan ang dalawa na nag-iinuman.

Sa kabila nito, dinala pa rin ang dalawang suspek sa municipal health office kung saan nagpositibo sila sa nakalalasing na inumin.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, pansamantalang pinalaya ang daalwang suspek matapos ang kanilang reglementary period of detention habang nahaharap sa kasong R.A 11332.