Inatasan Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Office (LTO) na ipatawag ang dalawang engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ay matapos mabunyag sa pagdinig ng Senado na gumagamit ang dalawang DPWH engineers ng pekeng driver’s licenses sa kanilang pagpasok sa mga casino.
Inatasan na rin ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang LTO na i-verify ang authenticity ng driver’s licenses na pinakita sa Senate hearing.
Sa paunang imbestigasyon ng LTO, lumalabas na wala silang inisyung lisensya sa ilalim ng mga pangalang Marvin Santos De Guzman at Joseph Castro Villegas
Nabatid na ang naturang mga alyas ay ginagamit daw ng dalawang DPWH engineers kapag sila ay pumapasok sa mga casino.
Inatasan na rin ang LTO na maglabas ng Show Cause Order sa mga sangkot na personalidad at magsumite ng kanilang report sa Senate Blue Ribbon Committee.