Ipinasakamay na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan City ang isa sa dalawang estudyante na akusado ng pangagahasa sa menor de edad na biktima sa bayan ng Sta Maria Isabela.
Ayon kay PMSGT Zaldy Babaran ng PNP Sta Maria, nangayri ang krimen noong March 2019 nang halinhinang gahasain ng mga akusado na may edad 18 at 17-anyos ang 16-anyos na biktima na kanilang kamag-aral habang nasa impluwensiya ng alak.
Tatlong buwan ang lumipas bago nakapagsumbong sa pulisya ang biktima dahil umano sa takot at kahihiyan.
Sa ngayon inihahanda na ng pulisya ang proseso para ipasakamay sa DSWD ang 17 anyos na suspek na nahuli kahapon, kasama ang isa pa matapos lumabas ang warrant of arrest mula sa korte.