TUGUEGARAO CITY-Naaktuhang nagsusugal ang tatlong indibiwal kabilang ang isang benipisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD )sa bayan ng Claveria.

Ayon kay P/ Major Reymnd Baggayan, Chief of Police ng PNP-Claveria, nagsagawa ng monitoring ang kanilang hanay sa lugar nang maaktuhang nagsusugal partikular ng “tong-its” ang tatlo kabilang ang magkapatid na sina Roderick 53-anyos at Leah Domingo 50-anyos kasama si Elnora Dela cruz 75-anyos pawang residente sa Brgy Centro 6.

Hinuli ang tatlo sa bahay nina Roderick kung saan nakumpiska ang isang set ng playing card at P90.

Nabatid na si Dela cruz ay isa sa mga benipisaryo ng SAP, ngunit inaalam pa ng kapulisan kung ang perang ginamit sa pagsusugal ay mula sa nakuhang ayuda.

Sa ngayon, pansamalantalang nakalaya ang tatlo matapos makapagpiyansa ng tig-P13,000 habang regular filing naman ang pagsasampa ng kasong paglabag sa social distancing.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig Major Reymnd Baggayan