Patay ang tatlong katao at anim ang nasugatan kabilang ang isang pulis matapos na itakbo ng isang lalaking may deperensya sa pag-iisip ang patrol car ng PNP sa Morong Rizal.

Sinabi ni P/Maj Rosalino Panlaqui hepe ng Morong, Rizal, na unang nirespondehan ng kapulisan ang isang nagwawalang suspek na may deperensya sa pag-iisip.

Una nilang dinala ang suspek sa pagamutan dahil sa may sugat siya katawan.

Habang nasa pagamutan ay bigla na lamang tumakbo ito palabas ng pagamutan at sumakay sa patrol car ng police at pinaandar niya.

Hinabol ito ng kapulisan subalit naibangga na ng suspek ang sasakyan sa mga nakaparadang tricycle at motorsiklo sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Dinala ang mga biktima sa pagamutan kung saan tatlo sa kanila ng idineklarang dead on arrival habang apat ang sugatan kabilang ang mga pulis na rumesponde.

Kasalukuyang nasa kustodiya na nila ang suspek at hinahanap nila ang mga kaanak nito.

Pinag-aaralan na rin ng PNP Morong kung magsasampa sila ng kaso laban sa suspek dahil sa kanyang kalagayan.