Naging emosyonal si Pia Cayetano matapos kwestiyunin ni Risa Hontiveros ang umano’y mabilis na “return to normalcy” sa Senado kasunod ng insidente ng habulan at pamamaril noong nakaraang linggo.

Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na nagdulot ng matinding dagok sa dignidad at kredibilidad ng Senado ang nangyaring insidente.

Ayon pa kay Hontiveros, tila umano ipinakikita ng Senado na parang walang nangyari kahit nabahiran ang institusyon at naapektuhan ang mga empleyado at publiko.

Nagpahayag naman ng emosyon si Cayetano habang tumutugon sa mga naging pahayag ni Hontiveros kaugnay sa naging sitwasyon sa loob ng Senado.