TUGUEGARAO CITY-Huli ang apat na kalalakihan kabilang ang isang menor-de-edad nang makumpiskahan ng baril sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina na Denis Pascual 34 , Ronel Delfin 26 ,Jay Ar Castañeda 29 at 17-anyos pawang residente ng Sitio Damortis , Barangay Sampaguita.

Ayon kay P/capt Jun Jun Balisi, Chief of Police ng PNP-Solana, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kanilang himpilan sa pagpapatutok ng baril ng mga suspek habang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin sa lugar.

Sinabi ni Balisi na batay sa kanilang imbestigasyon, ipinagyayabang ng mga suspek ang kanilang baril at ginagawang panakot sa kanilang lugar.

Nakuha sa mga ito ang isang long at short improvised shotgun , improvised airgun at itak.

-- ADVERTISEMENT --

Inaalam na rin ng kapulisan kung kanino at saan nakuha ng mga suspek ang mga naturang baril.

Sa ngayon, nakatakdang kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa R.A 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.