Mayorya ng mga Pinoy ang naniniwala na dapat na harapin ni Vice President Sara Duterte ang paglilitis ng Senado o ang impeachment court.

Batay sa survey ng Tugon ng Masa Octa Research, 78 percent ng mga Pinoy ang gusto na harapin ni VP Duterte ang impeachment court para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya at maipagtanggol din niya at malinis ang kanyang pangalan.

13 percent lamang ang tutol habang 9 percent ang nagsabi na hindi nila alam o wala silang pakialam.

Ayon sa OCTA, ang resulta ng survey ay nagpapakita ng malakas na suporta ng publiko sa accountability at due process sa pagtugon sa mga alegasyon laban kay VP Duterte.

Una rito, kinuwestion ni Duterte kung maaaring tumawid sa 20th Congress ang Articles of Impeachment na inihain laban sa kanya sa Senado sa 19th Congress.

-- ADVERTISEMENT --

Ang non-commissioned survey ay isinagawa mula April 20 hanggang 24 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 male at female respondents na edad 18 at pataas.