Wala pang pinal na desisyon ang House prosecution panel kung aalisin ang bribery allegation sa Article III ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay prosecution legal spokesperson Atty. Jay Tolosa, patuloy pa nilang pinag-uusapan ang usapin, kabilang ang panawagan ng mga senator-judge at publiko na mapabilis ang paglilitis at hindi na umabot sa susunod na taon.

Sa ngayon, natapos nang ilahad ng prosecution ang Article IV tungkol sa umano’y grave threats at assassination plot, gayundin ang Article I kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds. Natitira ang Article II o unexplained wealth at Article III o bribery.

Sinabi ni Tolosa na nakakuha na sila ng mahahalagang dokumento mula sa BIR at Anti-Money Laundering Council para sa unexplained wealth article. Posibleng unahin ng prosecution ang Article II bago ang bribery case.

-- ADVERTISEMENT --