
Inaasahan ng prosecution na tataas ang interes ng publiko sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kapag tinalakay na sa susunod na linggo ang alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, pipili lamang ang prosecution ng mahahalagang bank account at financial records ni Duterte na iniulat ng mga bangko bilang ebidensya sa Article 2 ng impeachment case.Mag-print Ng Dokumento
Sina Representatives Chel Diokno at Terry Ridon ang inaasahang maglalahad ng mga ebidensya.
Sinabi ni Chua na magiging interesado ang publiko sa mga ilalabas na impormasyon.
Para kay Deputy Speaker Paolo Ortega V, isa sa mga pinakaaabangan sa impeachment proceedings ang alegasyon tungkol sa bilyun-bilyong pisong pondo na iniuugnay kay Duterte.
Para mapabilis ang paglilitis, hindi lahat ng bank account at transaksyon ang ilalahad ng prosecution. Pipiliin lamang nito ang mga rekord na itinuturing na mahalaga upang patunayan ang kanilang alegasyon.
Nakatakdang simulan ng prosecution sa Lunes ang paglalahad ng ebidensya kaugnay ng alegasyong hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.









