
Nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa renewable energy at railway projects sa Pilipinas ang paglahok ng European Union (EU) at Spain sa Luzon Economic Corridor (LEC).
Ayon sa Department of Finance (DOF), nakahanay ang €60 milyon na Global Gateway investments ng EU at karagdagang €20 milyon sa Digital Economy Package nito sa mga prayoridad ng LEC, kabilang ang renewable energy, digital connectivity, green development at skills development.
Samantala, inaasahang magdadala ang Spain ng kaalaman at puhunan mula sa public at private sectors para sa mga potensyal na proyekto sa railways, modular infrastructure, aviation, shipbuilding at renewable energy connectivity.
Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, makatutulong ang pagpasok ng EU at Spain sa pagdadala ng karagdagang teknolohiya, kapital at global business networks na maaaring magpabilis sa pagpapatupad ng mga proyekto sa bansa.
Layunin ng Luzon Economic Corridor na makalikha ng trabaho, mapalakas ang mga industriya at makapaghatid ng pangmatagalang benepisyo sa ekonomiya ng Pilipinas.










