Iginiit ni dating Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na hindi sapat na sabihing “alias” ang ilang pangalan sa confidential fund records ni Vice President Sara Duterte para patunayang may totoong recipient ng pondo.

Ayon kay Barbers, kailangang maipakita ng depensa kung sino ang tunay na tumanggap ng pera, sino ang nag-utos at kung may mga rekord na magpapatunay sa mga transaksyon.

Nauna nang sinabi ng defense panel na kabilang sa mga alias sa acknowledgment receipts ang pangalang Mary Grace Piattos.

Samantala, binigyang-diin ni Barbers na ang kawalan ng rekord sa Philippine Statistics Authority ay hindi awtomatikong nangangahulugang peke ang isang tao.