Ipinroklama na ng Commission on Elections o Comelec ang mga nanalong parliamentary district representatives sa Maguindanao del Sur at Special Geographic Areas o SGAs sa unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, limang nanalong parliamentary district representatives naman sa Maguindanao del Norte ang nakatakdang iproklama matapos makumpleto ang kinakailangang proseso.

Samantala, sinabi ni Garcia na siyam na election returns mula sa Cotabato City ang hindi pa naipapadala sa regional board of canvassers.

Isinagawa ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM nitong Lunes, Setyembre 14, bilang bahagi ng pagtatatag ng bagong parliamentary government sa rehiyon.