
Hiniling ng mga abogado ng mga biktima ng drug war sa International Criminal Court o ICC na ideklarang fit for trial si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa dokumentong isinumite sa ICC, sinabi ng Common Legal Representative of the Victims na batay sa mga konklusyon ng medical experts, natutugunan ni Duterte ang legal criteria para makapaglitis.
Ayon sa mga abogado, mahalaga sa pagdedesisyon kung fit for trial ang kakayahan ng akusado na maunawaan at makilahok sa proceedings at makapagbigay ng instructions sa kanyang mga abogado.
Sinabi rin ng mga biktima na hindi sila tutol sa pagbibigay ng reasonable accommodations kay Duterte sa paglilitis, basta hindi nito maaapektuhan ang karapatan ng ibang kalahok at maayos na takbo ng proceedings.
Nauna nang hiniling din ng ICC prosecutor na ideklarang fit for trial si Duterte.
Samantala, nagdesisyon ang ICC Trial Chamber III na manatiling nakakulong si Duterte dahil sa posibilidad umano ng pagtakas o panghihimasok sa imbestigasyon at proceedings.










