
Hindi pa kumpirmado kung dadalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2027 budget ng Office of the Vice President o OVP, ayon kay Senator JV Ejercito.
Sinabi ni Ejercito na wala pa siyang natatanggap na abiso kung personal na haharap ang Vice President sa budget hearing ng kanyang tanggapan.
Ayon kay Ejercito, huling tatalakayin ng Senado ang budget ng OVP at Office of the President dahil sa masikip na schedule ng kapulungan, na kasalukuyan ding nagsisilbing impeachment court sa paglilitis kay Duterte.
Para sa 2027, humihingi ang OVP ng budget na , mas mababa ng 11.7 porsyento kumpara sa P889.236 milyong appropriated budget nito ngayong 2026.
Ayon naman sa OVP, gagamitin ang panukalang pondo para maipagpatuloy ang paghahatid ng mga programa, assistance at serbisyo sa mga benepisyaryo nito sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaaring dumalo si Duterte bilang pinuno ng OVP, ngunit hindi na maaaring talakayin sa budget deliberations ang mga usaping kasalukuyang pinag-uusapan sa impeachment trial dahil bahagi na ang mga ito ng nakabinbing kaso.
Inihayag din ni Gatchalian na walang ilalaan na confidential funds ang Senado para sa OVP, Department of Education at iba pang civilian agencies bilang panuntunan.
Aniya, anumang hiling para sa naturang pondo ay kailangang maayos na mabigyang-katwiran at masusing susuriin ng Senado.










