
Maaaring humaba ang pila ng mga botante sa 2028 National and Local Elections o NLE kapag hindi naisama sa 2027 national budget ang karagdagang pondo para sa voting machines.
Ayon kay Quezon 4th District Representative Mike Tan, sponsor ng 2027 budget ng Commission on Elections o Comelec, maaaring magkukulang ng **9,300 voting machines ang poll body kung hindi maibibigay ang hinihinging ₱23.16 bilyong dagdag na pondo.
Sinabi ni Tan na posibleng maging resulta nito ang mas mahabang pila at mas matagal na paghihintay ng mga botante sa mga presinto.
Samantala, humihingi ang Comelec ng ₱44.7 bilyong budget para sa 2027, ngunit nabawasan ito ng 34 porsyento at naging ₱29.5 bilyon.
Kasalukuyan nang binubuo ng Comelec ang terms of reference para sa planong pagbili ng mga bagong voting machines na gagamitin sa 2028 elections.
Kasabay nito, hinihintay din ng Comelec ang magiging desisyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE upang maiangkop ang paghahanda nito para sa mga susunod na halalan.










